Pursigido ang mga miyembro ng Alliance of Bangsamoro Tri-Peoples Party (ABoT) na palakasin ang presensya ng partido sa pamamagitan ng pagtatag ng mga opisina sa ibaโt ibang probinsya sa BARMM.
Ang nasabing inisyatiba ay boluntaryong isinagawa ng mga miyembro bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa partido at paghahanda sa nalalapit na kauna-unahang BARMM Parliamentary Elections.
Kabilang sa mga nagsagawa nito ang mga miyembrong tri-people (moro, settlers at IP community) mula sa ibaโt ibang munisipalidad ng SGA, Maguindanao del Sur, Maguindanao del Norte, Lanao del Sur, at Cotabato City, pati na rin sa mga island provinces gaya ng Basilan at Tawi-Tawi.
Bilang isang CSO-led party, ang inisyatibang ito ay patunay ng malalim na ugat ng volunteerism sa hanay ng mga civil society organizations, na may layuning bigyan ang bawat komunidad ng mas mahusay at makataong pamamahala.
#ABoTParty #SaABoTPartyPanaloLahat